MARILAO — Muling binigyan buhay sa nabanggit na bayan ang pagdadaos ng Kakanin Festival kaugnay bilang pagdiriwang ng Ika-227 Taong Pagkakatatag ng Marilao bilang isang bayan ng Bulacan.
Ginanap ito sa SM City Marilao na magkatuwang na itinaguyod ng Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office (PHACTO) at Municipal Tourism Office.
Pinangunahan nina Department of Tourism (DOT)- Central Luzon Regional Director Richard Daenos, Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alex Castro ang paglulunsad ng isang higanteng Kakanin na binubuo ng iba’t ibang klase nito na ginagawa sa Marilao bilang sentro ng pagdiriwang.
Ayon kay Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, ito ay bakikiisa sa Buwan ng Kalutong Pilipino na nagtatapok sa mayamang sining at kalinangan na sumasalamin sa mga katutubong potahe na naaani at niluluto sa nayon. (UnliNews Online)
Source: PIA Bulacan