Monday, June 8, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 ‘tirador ng motorsiklo’ timbog! Droga, baril at granada nasamsam

2 ‘tirador ng motorsiklo’ timbog! Droga, baril at granada nasamsam

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Natimbog ang dalawang lalaki habang tatlo pa nilang kasamahan ang pinaghahanap matapos masangkot sa carnapping ng motorsiklo at makumpiskahan ng iligal na droga, baril, at granada sa follow-up operation ng pulisya bandang alas-7:30 ng gabi noong Sabado (Hunyo 6)sa Santiago St., Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan.

Batay sa ulat ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station (DRT MPS), kinilala ang mga naarestong suspek na sina alias Leo, 24 taong gulang at residente ng Santiago St., Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan, at alias JP, 22 taong gulang, driver at residente ng Brgy. Sinko, Bulacan. Samantala, patuloy pang tinutugis ng pulisya ang tatlo nilang kasamahan.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba kaugnay ng naitalang insidente ng carnapping ng isang Yamaha Aerox V3 na kulay blue at black noong Hunyo 4, 2026.

Sa isinagawang operasyon, nagresulta ito sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakarekober ng iba’t ibang ebidensya na may kaugnayan sa krimen. Nabatid na si alyas Ahmed ang leader ng grupo kung saan well organized at armado ang limang mga suspek na nag-ooperate sa ibat-ibang bayan sa Bulacan at karatig probinsya.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 4 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 25 gramo at may Standard Drug Price na P170,000.

Narekober din ang isang improvised shotgun, isang MK2 hand grenade, tatlong motorcycle plate, mga dokumento ng motorsiklo at collection receipt, isang Aerox motorcycle, 2 helmet, at iba pang kasuotan na pinaniniwalaang ginamit sa isinagawang krimen.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883), Section 11, Article II ng RA 9165, RA 10591, at RA 9516 laban sa mga suspek. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News