Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsMahigit P1 bilyong halaga ng shabu, nasamsam sa Angeles City

Mahigit P1 bilyong halaga ng shabu, nasamsam sa Angeles City

ANGELES CITY, Pampanga — Nasa 155 kilo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P1.054 bilyon ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga miyembro ng Angeles City Police Office sa isinagawang raid nitong Lunes (May 26) sa isang marangyang subdivision sa Barangay Pampang, Angeles City.

Armado ng search warrant hinalughog ng mga back-up na ahente ng PDEA ang tinaguriang shabu stock room ng isang apartment sa Block 7 Lot 5A Orchid Street, Timog Hills Subdivision at nakita sa loob ang stock file ng iligal na droga.

Nasamsam ang mga iligal na droga sa loob ng isang abandonadong bahay na nakalagay sa 155 piraso ng transparent plastic bag, na tumitimbang ng humigit-kumulang isang kilo bawat isa at isang kulay gray na sasakyang Lexus na may plakang TYT 841.

Ang ang target na personalidad ay nakatakas sa pagkakaaresto at nakilalang si Guang Tou, isang Chinese national at nananatiling at-large. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Wala pang dalawang linggo ang nakalipas, nakumpiska ng PDEA ang mahigit 35 kilo ng shabu kasunod ng buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga. Isang Chinese national at kanyang Filipina cohort ang nahuli bilang resulta ng operasyon.

Ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay isinumite sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri.

Ang operasyon laban sa iligal na droga ay isinagawa ng magkasanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Intelligence Coordinating Agency, Armed Forces of the Philippines Counter Intelligence Group, Philippine National Police Information Technology Management Service, at Central Luzon police operatives.

Sinabi ni Fajardo na ang matagumpay na operasyon ng iligal na droga ay bunga ng malakas na koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa bansa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News