Friday, December 6, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews‘Booster PINASLAKAS,’ patuloy na inilalatag sa Bulacan

‘Booster PINASLAKAS,’ patuloy na inilalatag sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Damayan sa Barangay Medical Mission sa pagsasagawa ng programang “Sa Booster PINASLAKAS” sa iba’t ibang bayan ng nasabing lalawigan.

Pinagunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise-Gobernador Alexis C. Castro ang pagbibigay ng atensyong medikal sa ating mga kalalawigan sa mga bayan ng Hagonoy, Guiguinto, San Miguel at Plaridel ngayong buwan ng Abril.

Hinihikayat ni Fernando at Castro ang mga Bulakenyo na magpabakuna ng booster shots lalo’t muling tumataas ang bilang ng mga apektado sa COVID-19 cases.

Katuwang ang Provincial Public Health Office at Municipal/City Health Office patuloy ang pagsasagawa ng pagbabakuna ng booster shots laban sa COVID-19 sa edad 12 taong gulang pataas at routine vaccines na tulad ng BCG, DPT, Measles-Rubella and Oral Polio atbp. para mga sanggol na edad 12 buwan pababa.

Sa tala ng Provincial Health Office o PHO, humigit kumulang tatlong milyong mga bata edad limang taon pababa ang inaasahang madaling kapitan ng tigdas sa buong bansa kung saan ang inaasahang bilang ay lumagpas na sa birth cohort, na nagpapahiwatig na ang paglaganap ng tigdas ay inaasahang mangyari sa lalong madaling panahon.

Ayon sa gobernador, isinusulong niya ang walang tigil na pagsasagawa ng medical mission kaakibat ang aktibong pagtuturo sa kalusugan sa mga komunidad pati na rin ang kahalagahan ng routine immunization at catch-up vaccinations sa mga bata.

Ipinag-utos rin niya sa PHO na magsagawa ng supportive supervisory visit mula buwan ng Pebrero hanggang Abril para sa monitoring activities upang matiyak na ang bawat lungsod at munisipalidad ay nakakasunod upang matukoy ang kalakasan at kahinaan, mga pagkukulang at pagsubok sa implementasyon ng National Immunization Program upang makamit ng lalawigan ang 95 porsyentong target ng Fully Immunized Child.

Maliban sa pagbabakuna, naghahatid din ang Damayan sa Barangay Medical Mission ng medical at eye checkup, ECG, X-ray, laboratory, bunot ng ngipin, gupit, masahe, anti-rabies vaccine, pamamahagi ng mga gamot, medical assistive devices, reading glass, at binhing gulay. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments