Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews Bulacan24 suspek arestado sa anti-crime ops sa Bulacan

24 suspek arestado sa anti-crime ops sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 24 na mga suspek sa ibat-ibang kaso ang naaresto ng Bulacan police sa isinagawang anti-criminality operations noong Biyernes (May 5) at Sabado (May 6).

Ayon kay Col. Relly Arnedo, Bulacan provincial director, 10 suspek sa ili8gal na droga, walong wanted person, at anim na illegal gamblers ang mga nasakote.

Naaresto ang 10 drug suspects sa magkahiwalay na drug buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Ildefonso, Bocaue, City of San Jose Del Monte, Plaridel, Marilao, at Pulilan City Police Station.

Nakumpiska sa mga naarestong drug suspect ang kabuuang 41 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,700; buy-bust money at drug paraphernalia.

Samantala, ang patuloy na pursuit operations ng tracker teams ng Bulacan First and Second Provincial Mobile Force Company (PMFC), San Jose Del Monte, Meycauayan, Bustos, at Norzagaray City Police Station ay humantong sa pagkakaaresto sa walong wanted na mga kriminal.

Inaresto sila dahil sa mga krimeng Serious Physical Injury, Republic Act 7610, Estafa, Anti-Violence Against Women and their Children, at Rape.

Ang lahat ng akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting station para sa kaukulang disposisyon.

Sa isa pang operasyon, arestado ang 6 katao sa anti-illegal gambling operation na pinangunahan ng mga operatiba ng Angat at Obando Police Stations.

Nahuli sila sa aktong naglalaro ng mga ilegal na laro ng baraha at mga ilegal na laro sa pagtaya.

Inihahanda na ngayon ang mga kaukulang reklamong kriminal laban sa mga naarestong suspek para sa pagsasampa sa korte.

Patuloy na nagsusumikap ang Bulacan police sa pagtugis sa mga kriminal at paghahanap ng mga indibidwal na hinahanap ng batas, upang maiharap sila sa sistema ng hustisya, kasunod ng direktiba ni Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr., Central Luzon police regional director. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments