CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ng mga operatiba ng San Jose del Monte City police ang isang lasing na negosyante na walang habas na nagpaputok ng baril noong Linggo (May 7)
Base sa ulat na nakarating kay Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Bernald Prepose, residente ng Block 6, Lot10, Phase 5, Barangay Kaypian ng nasabing lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon na sunud-sunod ang reklamo ng mga kapitbahay at barangay officials laban sa negosyante dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa tuwing nalalasing at naghahanap ng gulo sa kanilang lugar.
Noong Linggo, muling nakatanggap ang pulisya ng reklamo laban sa muling pagpapatuok ng nasabing negosyante at dito na dinakip ng swat team ng pulisya sa nasabing lungsod ang negosyante.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril na may serial number. 023356; dalawang magasin; apat na .45 live ammunition; at dalawang .45 caliber fired cartridge case.
Kasalukuyang nakadetine ang trigger happy na negosyante sa CSJDM lock-up cell at nakatadang sampahan ng kaso. (UnliNews Online)