LUNGSOD NG MALOLOS — Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa paggunita ng Cervical Cancer Consciousness month ngayong Mayo.
Inaanyayahan din ang publiko na makiisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa sakit na ito.
Ang cervical cancer ay pangalawa sa nangungunang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas ngunit ito ay maaaring iwasan.
Sa pamamagitan ng tamang impormasyon sa naturang sakit, maari itong magamot at maiwasan ang tiyak na kapamahakan.
Pinapaalalahan din ang lahat ng kababaihan na regular na magpa-screening at test, at maging bakunado laban sa human papillomavirus (HPV). (UnliNews Online)
Source: PCO