CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PDEU/PIU Bulacan PPO kasama ang Plaridel Municipal Police Station ang isang suspek sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation nung Linggo bandang alas-8:20 ng gabi sa Brgy. Banga 2nd, Plaridel.
Kinilala ang suspek na si alias “Vino,” 37 anyos, residente ng Dulong Bayan 1st, Brgy. Sulivan, City of Baliuag. Nahuli siya matapos magbenta ng isang maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na undercover kapalit ng P1,000 buy-bust money.
Nakumpiska rin mula kay Vino ang apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P40,800, ang buy-bust money, at isang LV brand sling bag na naglalaman ng isang .38 caliber revolver na walang serial number at apat na bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Plaridel MPS ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya para sa paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), na isusumite sa Office of the Provincial Prosecutor, Lungsod ng Malolos, Bulacan. (UnliNews Online)

