Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews BulacanLibreng binhi ng palay para sa magsasakang Malolenyo, ipinamahagi

Libreng binhi ng palay para sa magsasakang Malolenyo, ipinamahagi

LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinamahagi sa mga magsasakang Malolenyo ng Pamahalaang Panglungsod ang libreng binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF-Seed Program sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice ngayong 2023 wet season.

Mahigit 1,300 na magsasaka sa Malolos na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang makakatanggap ng libreng dekalidad na binhi ng palay.

Simula noong Friday (Mayo 12) ay nakatanggap na ng siyamnapu’t limang bags ng binhi (20 kilo sa bawat bag) ang Brgy Santisima na kalaunan ay ipamimigay sa dalawampu’t siyam na rehistradong magsasaka sa kanilang barangay.

Ayon kay Supervising Agriculturist Rebecca S. Hernandez, makakatanggap ng kabuuang 40 kilong binhi bawat ektaryang mayroon ang mga magsasaka, ngunit may hangganang 2 ektarya lamang kada magsasaka.

Kung ang kanilang lupain ay mas mababa sa kalahating ektarya, isang bag na may katumbas na 20 kilo lamang ang kanilang matatanggap.

Ang naturang hakbang ay sa hangaring itaas ang sitwasyon ng mga magsasaka at upang masiguro ang supply ng pagkain sa ating mga kababayan.

Ayon kay Renato DG. Dela Cruz, Pangulo ng mga Magsasaka mula sa Brgy Santisima, malaking tulong para sa kanilang mga magsasaka ang programang ito dahil na rin sa hirap ng pamumuhay ngayon at sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Sila’y labis na nasisiyahan na sila ay nakatatanggap ng tulong mula sa Pamahalaan ng Malolos. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments