Monday, May 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsLuntiang Silong ng BMC, tumanggap ng Excellence Award for HIV Treatment Initiation

Luntiang Silong ng BMC, tumanggap ng Excellence Award for HIV Treatment Initiation

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa kanilang mahusay na serbisyo sa pagbibigay ng tulong sa mga taong may Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lalawigan, tumanggap ang Bulacan Medical Center-Luntiang Silong HIV Facility ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng isa pang parangal sa isinagawang 2023 QUILTS Awards na ginanap sa Ynares Center, L. Sumulong Memorial Circle, Lungsod ng Antipolo, Rizal kamakailan.

Tinanggap ni Ronchie D. Santos, HIV Unit Nurse Supervisor ng Luntiang Silong Facility, ang ‘Excellence Award for HIV Treatment Initiation with above 700 clients’ kung saan tumatanggap na ang nasabing pasilidad ng parangal na ito mula pa noong 2017.

Aniya, may mga pagsasaayos na isinagawa kasama na ang kanilang mga serbisyo mula sa ‘one day link to care’ hanggang sa ‘one hour link to care,’ kung saan ang mga blood sample ay agad na inihahatid sa RHIVDA Laboratory kasama ang baseline test at maaaring makuha ang mga kumpirmadong resulta sa loob ng isang oras.

Samantala, ikinagalak ni Gob. Daniel R. Fernando ang karagdagang pagkilala para sa Pamahalaang Panlalawigan at pinuri ang mga taong nasa likod ng pasilidad na buong pagsisikap na nag-aalaga sa mga Bulakenyong may HIV.

“Ang ating pamahalaan po ay patuloy na sumusuporta sa pagpapabuti ng ating mga kalalawigan. Isa po itong Luntiang Silong sa mga pasilidad na ating pinahahalagahan sapagkat napakaraming mga Bulakenyo na po ang naging benepisyaryo ng mga serbisyo nito. Malaking tulong rin ang Luntiang Silong na nagiging daan upang maging mas maalam ang mga Bulakenyo hinggil sa mga epekto ng HIV sa ating mga buhay,” anang gobernador.

Bukod pa rito, tumanggap rin ang Meycauayan Social Hygiene Clinic, Region III ng ‘Excellence Award for HIV Treatment Retention Treatment Facility under 300 clients’.

Ang QUILTS Awards ay pagbibigay pugay sa mga pasilidad/organisasyon na may malaking kontribusyon sa bansa sa pagsusumikap na magamot ang mga taong may HIV, kaalinsabay ng International HIV Candlelight Memorial. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments