PANDI, Bulacan — Bilang bahagi ng ika-80 taon pagkakatatag ng nabanggit na bayan, dinagsa ng mga kabataang Pandieño na naghahanap ng trabaho ang inilatag na Job Fair 2026 nung Martes (April 14).
Umabot sa humigit-kumulang 747 aplikante ang nakilahok at nakikiisa sa naturang job fair
Lubos na nagpapasalamat ang mga aplikante kay Pandi Mayor Rico Roque na nagbigay ng 500 pesos bilang pamasahe hindi pa man sila nagsisimulang mag-apply baon na nila ang suporta at pagmamahal ng ng alkalde.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Roque sa mga employers, partner agencies, at One-Stop Shop services na naging katuwang sa pagbibigay ng oportunidad at serbisyong para sa bawat Pandieñio
“Ang inyong suporta ang naging tulay upang mas mapalapit ang trabaho sa bawat Pandieño. Hangarin po namin na mas marami pang Pandieño ang mabigyan ng disenteng hanapbuhay ,” saad ng alkalde.
Dagdag pa ni Mayor Roque, dahil dito sa Pandi, may nakahandang trabaho para sa inyo! (UnliNews Online)

