Thursday, May 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, pinaigting ang suporta sa mga manggagawa sa pamamagitan ng Pre-Labor Day...

Bulacan, pinaigting ang suporta sa mga manggagawa sa pamamagitan ng Pre-Labor Day Job Fair

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang pagkilala sa husay ng mga manggagawang Pilipino at sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya tulad ng kakulangan sa trabaho at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office ang Pre-Labor Day Job Fair noong sa Level 4, Robinsons Place Malolos na nagbukas ng daan-daang oportunidad at naghatid ng pag-asa sa mga naghahanap ng trabaho sa lalawigan.

Kaakibat ng temang “Disenteng Trabaho para sa Lahat; Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-Samang Mararating”, tinipon ng isang araw na aktibidad ang 18 kumpanya – 16 na lokal at 2 overseas employers – na nag-alok ng mahigit 2,000 na bakanteng trabaho sa iba’t ibang industriya.

Sa kabuuang 615 na lumahok sa job fair, 353 ang kinilalang qualified jobseekers, 77 na aplikante ang naitala bilang nearly hired, at 6 na aplikante naman ang mapalad na naitalang hired on the spot.

Isa si Erick John Apostol mula sa Canalate, Lungsod ng Malolos, sa mga naging matagumpay na na-HOTS bilang service crew sa Domino’s Pizza, Guiguinto.

“Maraming salamat po PESO Bulacan, sa Robinsons, at Gob. Daniel R. Fernando. Sa hirap po ng buhay ngayon lalo na po may pamilyang binubuhay, malaking tulong po talaga ang naibigay ninyong trabaho,” ani Apostol.

Higit pa sa pagkakaroon ng trabaho, hangad ni Fernando ang mga oportunidad na magsisilbing isang tahanang kakalinga at mag-aaruga sa bawat Bulakenyo.

“Maraming salamat po sa mga partner agencies na andito ngayon. Sana po ay mabigyan ng malawak na oportunidad ang mga Bulakenyo, nais ko po silang magkaroon ng marangal na hanapbuhay higit lalo ngayong kailangan ng pamilyang Bulakenyo na makapagbibigay ng tugon sa pangangailangan ng pamilya,” anang gobernador.

Higit sa pagiging isang recruitment activity, nagkaroon din ang nasabing job fair ng isang “One-stop shop” kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang nasyunal na ahensya upang maghatid ng mahahalagang serbisyo tulad ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Philippine Health Insurance (PhilHealth), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Migrant Workers (DMW). (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News