PANDI, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Enrico Roque kamakailan ang pagpapasinaya ng Gusaling Kapitan Eduardo C. Fabian, ang bagong tahanan ng serbisyo publiko ng para sa Barangay Real Cacarong.
Ito ang bagong yugto ng serbisyo para sa sa bawat Realeño at sa bawat Pandienyo na higit sa isang gusali, ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at mas pinatatag na serbisyo para sa bawat residente.

Naging katuwang sa pagpapasinaya ni Mayor Roque ang butihing Punong Barangay ng Real De Cacarong, Kapitan Ahl Angeles at mga opisyales ng naturang barangay.
Pinuri ng alkalde si Kapitan Ahl Angeles dahil sa kanyang dedikasyon at patuloy na pagsusumikap para sa pag-unlad ng Real De Cacarong.
“Asahan po ninyo ang patuloy naming suporta sa mga programang magdadala ng progreso, maayos na serbisyo, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Realeño at bawat Pandieño,” ani Mayor Roque. (UnliNews Online)

