CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na nakapagsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pagkakasamsam ng iligal na baril at mga bala at pagkakaaresto sa suspek sa Brgy. Lambakin, San Miguel kamakailan.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Mohammad Taufh S. Abduhalim, Hepe ng San Miguel MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias Rom, 44 taong gulang at residente ng Brgy. Lambakin, San Miguel, Bulacan. Ipinatupad ng mga tauhan ng San Miguel MPS na inilabas noong Abril 30, 2026 ng Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng San Miguel, Bulacan.
Sa isinagawang masusing paghahalughog sa bahay ng suspek, nadiskubre at nasamsam ng mga operatiba ang isang caliber .45 ACP pistol na may serial number 824753, labing walong piraso ng live ammunition para sa caliber .45, isang piraso ng live ammunition para sa caliber 5.56, limang magazine para sa caliber .45 pistol, isang holster at 1 gun storage box.
Ang operasyon ay isinagawa sa presensya ng suspek, dalawang opisyal ng barangay ng Brgy. Lambakin at isang kamag-anak ng respondent bilang mga kinakailangang saksi sa operasyon. Matapos ang pagkakadiskubre ng mga nasabing ebidensya, agad na inaresto ang suspek at dinala sa San Miguel MPS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sa pahayag ni P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na pinaigting ng Bulacan PPO ang kampanya laban sa illegal na pag-iingat ng mga baril at bala upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

