Sunday, May 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsP374 halaga ng shabu nasamsam sa anti-illegal drug ops ng Sta. Maria...

P374 halaga ng shabu nasamsam sa anti-illegal drug ops ng Sta. Maria PNP

LUNGSOD NG MALOLOS — Naaresto ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Santa Maria Municipal Police Station ang dalawang High Value Individuals (HVI) sa inilatag na anti-illegal drugs operation sa Brgy. Camangyanan, Santa Maria, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon (Mayo 13).

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Payo” 29 taong gulang, at alyas “Mich” 28 taong gulang, kapwa kabilang sa watchlist ng illegal drugs personalities.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 55.0 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php 374,000.00, gayundin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Matapos ang operasyon, agad na dinala ang mga naarestong suspek at mga nakuhang ebidensya sa Santa Maria MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaigting ng Santa Maria MPS ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Samantala, muling hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan at agad na magbigay ng impormasyon hinggil sa anumang ilegal na aktibidad upang mas mapalakas pa ang kampanya kontra droga at kriminalidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News