PANDI, Bulacan — Walang pagsidlan ng tuwa ang mga Pandieño nang umarangkada ang pabitbit na gulay sa bawat barangay na handog ni Mayor Rico Roque kamakailan.
“Umarangkada na po ang ating pabitbit na gulay sa bawat Barangay! Maaga pa lamang ay nakikita na ang mahabang pila ng ating mga ka-Pandieño na nakangiti dahil excited nang makatanggap ng ating munting handog,” ani Mayor Roque.

Dagdag pa ng alkalde, sa simpleng pabitbit na ito, hangad natin na makapaghatid ng saya, tulong, at masustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pandieño. Bukod sa nakatulong na tayo sa ating mga kababayan, nakasuporta pa tayo sa ating mga magsasaka.

“Ang inyo pong mga ngiti at pasasalamat ang nagsisilbing inspirasyon namin upang lalo pa po naming pagbutihin ang aming paglilingkod. Makaka-asa po kayong patuloy po kaming magsusulong ng mga programang aabot sa bawat Pandieño,” pagtatapos ng alkalde. (UnliNews Online)
(Larawan mula sa FB Page ni Mayor Enrico Roque)

