Tuesday, May 19, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews1,493 kabataang Malolenyo, nagsipagtapos sa libreng Sports Clinic Program 2026

1,493 kabataang Malolenyo, nagsipagtapos sa libreng Sports Clinic Program 2026

LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal nang nagsipagtapos ang 1,493 kabataang atleta na nakibahagi sa Malolos City Sports Clinic noong Lunes (Mayo 18) sa Malolos Sports and Convention Center.

Isang programang pinangasiwaan ng Malolos City Sports, katuwang ang Department of Education ng Malolos, na may layuning higit pang hikayatin ang mga kabataang atleta na maging aktibo sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad upang malinang at mapahusay ang kanilang kakayahan, gayundin ang pagpapalawak ng kanilang interes sa iba’t ibang uri ng sports gaya ng volleyball, taekwondo, basketball, at marami pang iba.

Binuksan ang programa sa pambungad na pananalita ni Officer-in-Charge ng City Mayor’s Office – Arts, Culture, Tourism, and Sports (OIC, CMO-ACTS) na si Mrs. Gertrudes N. De Castro, na sinundan ng maikling pagtalakay ni Malolos City Schools Sports Federation President na si Mr. Rafael Nicolas P. Dionisio tungkol sa kasaysayan ng Sports Clinic ng Malolos.

Nagbigay din ng mensahe si City Administrator (OCad) na si Mr. Joel S. Eugenio bilang kinatawan ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad sa pagpapakita ng patuloy na suporta sa proyektong hatid sa mga kabataang atleta.

Naging inspirasyon din ang mensahe ni Konsehal at National Athlete, SEA Games 2023 Silver Medalist na si Hon. Meri Ann Geli Bulaong para sa mga kabataang nagnanais na matuto sa larangan ng sports.

Ayon kay Coach Geli, ang sports ay isa sa mga nakakapagbigay ng oportunidad para sa positibong pagbabago sa buhay, lalo na sa mga kabataang patuloy na hinuhubog ang kanilang kakayahan.

Tampok sa naging gawain ang pagtatanghal ng ilang mga lumahok sa programa na nagpamalas ng kanilang husay sa iba’t ibang larangan at pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa lahat ng coaches, student volunteers, at iba pang nakiisa sa taong ito.

Naging tagapagdaloy naman ng programa si City Sports and Development Coordinator Jose Anthony “Toti” Villanueva. (UnliNews Online)

Source: Malolos CIO

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News