PANDI, Bulacan — Hindi na mahihirapan at magiging mabilis na ang biyahe ng mga Pandieño na luluwas ng kalakhang Maynila dahil umarangkada na ang mga modernized jeepney na maghahatid sa mula sa Bayan ng Pandi papuntang Monumento.
Ang terminal ng mga modernized jeepney ay matatagpuan sa Barangay Cacarong Bata sa may JRG Fuel Hub Gas Station harap ng Padre Pio at may pick-up point din po sa Barangay Mapulang Lupa sa may Quality Hi-Fuel Gas Station.

Ayon kay Mayor Rico Roque, malaking ginhawa ito sa kanyang mga kababayan sa pagbyahe, dahil magiging mas mabilis, mas maayos, at mas komportable na po ang inyong biyahe pa-Monumento.
Lubos naman angpasasalamat ng alkalde kina Vice Mayor Sherwin Tugna at kay Mr. Marvin Vilar, General Manager ng Hino, Nueva Ecija sa kanilang suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang proyektong ito para sa mga Pandieño. (UnliNews Online)

