PANDI, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang programang BAWAT BAYAN MAKIKINABANG Rice Distribution Project na ginanap sa Amana Royale nitong Martes (June 2).
Sa nasabing programa, ang mga indigent at vulnerable na pamilyang Pandieño ang naging benepisyaryo ng proyekto

Ayon kay Mayor Enrico Roque, ang programang ito ay malaking tulong sa benepisyaryo at may katiyakang may pamahalaang handang umalalay sa panahon ng pangangailangan.
Ang Rice Distribution Project program na lubos na kinalugdan ng mga Pandieño na halos hindi magkamayaw sa sobrang tuwa dahil sa libreng bigas na natanggap mula sa Pamahalaang Bayan.
Ayon kay Fe Llamanzares ng Barangay Bagong Barrio, labis ang kanilang kasiyahan dahil malaking tulong sa kanilang mga pamilya ang natanggap na bigas.
“Salamat sa mga namumuno dito sa aming bayan. Salamat kay Mayor Rico Roque sa kanyang mga inilalahad na programa para sa mga mahihirap na Pandieño,” ani Fe.
Patunay ito na sa serbisyong may puso at talino, UNA ANG PANDIEÑO. (UnliNews Online)

