LUNGSOD NG MALOLOS — Limang bagong sasakyan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang binasbasan at ininspeksyon kamakailan bago pa ito gamitin sa mga proyekto, programa, at iba pang mga kaganapang kinakailangan ng paggamit nito.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Mons. Pablo Legazpi kasama sina Mayor Christian D. Natividad, Vice Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian, mga pinuno ng mga departamento, at iba pang kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Ayon kay Mayor Natividad, layunin ng pagkuha ng mga karagdagang sasakyan ay upang magkaroon ng sa mas mabilis at mas epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, tungo sa mas mataas na antas ng serbisyo para sa bawat Maloleño
Ipagkakatiwala naman ng Pamahalaang Lungsod ang pangangalaga ng mga bagong sasakyan sa mga opisina tulad ng Office of the City Vice Mayor, Office of the City Administrator, General Services Office, City Environment and Natural Resources Office, at Office of the City Veterinary na makatutulong upang mapadali ang mga programa at proyekto ng mga ito para sa mamamayan ng Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

