Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews BulacanBinatilyong nakaposas, natagpuang patay sa San Ildefonso, Bulacan

Binatilyong nakaposas, natagpuang patay sa San Ildefonso, Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang 17-anyos na lalaki ang nakaposas at may nylon chord na napulupot sa leeg ang natagpuang patay sa isang madamong lugar sa Barangay Telepatio, San Ildefonso, Bulacan noong Biyernes (May 26).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Ildefonso police, marahil ay sinakal muna ang biktima hanggang sa mamatay ito.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima dahil sa mga sugat na nakita sa mukha nito at katawan.

Maari din umanong itinapon lang ang biktima sa naturang lugar upang mailigaw ang imbestigayon.

Nakasuot ng kulay black na t-shirt at at short pants biktima nang madiskubre ang kanyang katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya upang matukoy ang may gawa ng krimen. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments