Thursday, July 2, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan Provincial Agriculturist ’wagi bilang Outstanding Agricultural Extension Manager sa 51st Gawad...

Bulacan Provincial Agriculturist ’wagi bilang Outstanding Agricultural Extension Manager sa 51st Gawad Saka

LUNGSOD NG MALOLOS – Muling ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang isa pang mahalagang tagumpay matapos kilalanin ang Pinuno ng Panlalawigang Pagsasaka na si Ma. Gloria SF. Carrillo bilang 51st Gawad Saka Outstanding Agricultural Extension Manager (Provincial Level) – National Winner ng Department of Agriculture sa ginanap na ika-51 Gawad Saka Awarding Ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC), Lungsod ng Pasay, Metro Manila noong Hunyo 29.

Bilang isa sa pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng Department of Agriculture, sinasalamin ng parangal ang maraming taon ng tapat at walang sawang dedikasyon ni Carrillo sa pagpapabuti ng kabuhayan at kapakanan ng mga magsasaka at mangingisdang Bulakenyo.

Ipinaabot ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang taos-pusong pagbati kay Carrillo sa pagbibigay karangalan hindi lamang sa Pamahalaang Panlalawigan kundi maging sa buong Bulacan sa pamamagitan ng kanyang natatanging tagumpay.

“Lubos po naming ipinagmamalaki ang tagumpay na ito. Testamento po ang prestihiyosong pagkilalang ito ng patuloy na dedikasyon, husay, at taos-pusong pagmamalasakit sa paglilingkod sa ating mga magsasaka at mangingisda. Patuloy pong nagbibigay-inspirasyon ang inyong pamumuno sa mahusay na paglilingkod sa bayan at sumasalamin din ito sa ating iisang hangarin na makabuo nang mas matibay at may katiyakang seguridad sa pagkain sa Bulacan,” anang gobernador.

Sa ilalim ng pamumuno ni Carrillo, patuloy na natutupad ng Provincial Agriculture Office ang iba’t ibang mga programa at inisyatibong naglalayong palakasin ang produktibidad ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisdang Bulakenyo.

Ang Gawad Saka ay isang prestihiyosong programa ng pagkilala na nagbibigay-pugay sa dedikasyon ng mga magsasaka, mangingisda, mga institusyon, mga scientist, at mga mananaliksik na patuloy na nagsusulong sa pag-unlad ng agrikultura sa bansa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News