Saturday, August 22, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsPresensiya ng kapulisan sa mga eskwelahan, patuloy na pinalalakas!

Presensiya ng kapulisan sa mga eskwelahan, patuloy na pinalalakas!

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa naganap na pamamaril ng isang estudyante sa isang eskwelahan sa Zamboanga City kamakailan, muling pinaigting ng Malolos PNP ang presensya ng mga pulis sa paaralan para sa ligtas na kapaligiran sa pag-aaral.

Sa ilalim ng direktiba ni P/Lt. Col. Jordan G. Santiago, acting Chief of Police, patuloy na pinalalakas ng Malolos City Police Station ang presensya ng kapulisan sa iba’t ibang paaralan sa lungsod bilang bahagi ng kampanya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Sa pamamagitan ng regular na police visibility, foot patrol, at school visitation, ang Malolos PNP ayon kay P/Lt. Col. Santiago, ay tinitiyak ang agarang pagtugon sa anumang insidente at nagbibigay ng kapanatagan sa mga magulang at sa buong komunidad.

Kasabay nito, patuloy ring nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga administrador ng paaralan at iba pang stakeholders upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran para sa pag-aaral.

“Bahagi rin ng programang ito ang pagpapaalala sa mga mag-aaral na maging mapagmatyag, sumunod sa mga alituntunin ng paaralan, at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad o sitwasyon na maaaring magdulot ng panganib,” saad pa ni Col. Santiago.

Dagdag pa nito, “sa pamamagitan ng patuloy na presensya at pakikipagtulungan sa sektor ng edukasyon, muling pinagtitibay ng Malolos City Police Station ang kanilang adhikain na pangalagahan ang kapakanan ng kabataan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat paaralan.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News