Sunday, August 23, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsMahigit P680K shabu nasabat sa drug bust ng Bulacan police; 19 timbog

Mahigit P680K shabu nasabat sa drug bust ng Bulacan police; 19 timbog

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang labing-siyam (19) na indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Bulacan PPO nitong Agosto 18 at 19, 2026.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Eric C. Cister, Hepe ng Pulilan MPS, dalawang indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Pulilan Municipal Police Station sa isinagawang anti-illegal drug operation o buy-bust operation noong Agosto 18, 2026, dakong alas-6 ng gabi sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 10 piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 54.92 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang halaga na humugit-kumulang P373,456.00.

Samantala, ayon sa ulat na isinumite ng mga Chief of Police ng Meycauayan, Baliwag at Malolos CPS, Bocaue, Marilao, San Miguel, Guiguinto, Angat, at Paombong MPS, magkakahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units.

Ang mga naturang mga drug ops ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 17 drug pushers at pagkakasabat ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 32.93 gramo at halagang humigit-kumulang P358,426.00, kush marijuana na may timbang na 9.62 gramo na may tinatayang halaga na P14,430.00 at hinihinalang marijuana na may tinatayang bigat na 5 gramo na may tinatayang halaga na tinatayang P600.00, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa mga suspek.

Binigyang-diin ni P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang patuloy na pagkakaaresto sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga ay patunay ng mas pinaigting ang kampanya ng Bulacan Police laban sa mga iligal na aktibidad. Aniya, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News