Thursday, July 9, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSeguridad sa mga eskwelahan sa Bayan ng Pandi, mas pinaigting!

Seguridad sa mga eskwelahan sa Bayan ng Pandi, mas pinaigting!

PANDI, Bulacan — Namahagi ng mga metal detectors at two-way radios ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa mga principal ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque bilang dagdag na seguridad sa mga paaralan o eskwelahan na sakop na nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Roque, kapag kaligtasan ng ating mga kabataang Pandieño ang usapan, hindi po tayo puwedeng maging kampante. Naniniwala po ang inyong lingkod na malaking tulong ito para mas mapanatiling ligtas ang ating mga estudyante at buong komunidad ng paaralan.

Dagdag pa ng alkalde, layunin po ng pagpapaigting ng seguridad sa mga eskwelahan ay maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan, mapalakas ang komunikasyon sa oras ng emergency, m apabilis ang koordinasyon at agarang pagtugon at mapanatiling ligtas ang bawat mag-aaral, guro, at kawani.

“Dalangin po nating hindi na kailangang gamitin ang mga kagamitang ito sa anumang hindi magandang pangyayari. Ngunit mas mabuti pong handa upang mas maprotektahan natin ang ating mga kabataan,” pagtatapos ni Mayor Roque. (UnliNews On line)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News