Monday, July 20, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsVG Castro, hiniling sa DPWH na mag-report sa Kapitolyo

VG Castro, hiniling sa DPWH na mag-report sa Kapitolyo

Kaugnay ng pagpapatupad ng mga flood control project sa Bulacan

Ni RONALYN CRUZ

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Hiniling ni Vice Governor Alexis C. Castro sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkaroon ng mandatory at direktang koordinasyon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kaugnay ng pagpapatupad ng mga flood control project sa lalawigan.

Sa kanyang privilege speech sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Hulyo 16, binigyang-diin ni Castro na kailangang malaman ng Kapitolyo ang buong detalye ng lahat ng proyekto ng DPWH– natapos na, kasalukuyang ginagawa, at mga nakaplano pa lamang–upang masiguro ang maayos na implementasyon at hindi maapektuhan ang pangkalahatang flood mitigation efforts ng probinsya.

Ayon sa tala ng Kapitolyo, hindi ito ang unang pagkakataon na hinilingan ang ahensya na makipagtulungan.

Noong 2023, naglabas si Governor Daniel R. Fernando ng Executive Order No. 22 na nag-aatas sa DPWH na magsumite ng komprehensibong Flood Control and Drainage Master Plan para sa buong lalawigan. Matapos pumutok ang kontrobersya sa umano’y ghost flood control projects noong Agosto 2025, muling naglabas ang gobernador ng Executive Order No. 16-B, Series of 2025, na nag-oobliga sa DPWH Bulacan District Engineering Office at sa lahat ng accredited contractors nito na isumite ang kumpletong dokumento ng mga flood control project sa loob ng nakalipas na dalawang taon at dumalo sa pagpupulong na ipinatawag sa Kapitolyo.

Gayunman, batay sa mga ulat na isinumite sa Sangguniang Panlalawigan, nabigo ang DPWH na tumalima sa parehong kautusan at hindi pa rin naisumite ang hinihinging master plan at iba pang dokumento.

Dahil dito, muling binuhay ng Sangguniang Panlalawigan ang panawagan para sa mas mahigpit na mekanismo ng koordinasyon, monitoring, at validation ng mga proyektong pinopondohan ng national government, upang matiyak ang transparency sa paggamit ng pondo at ang kalidad ng mga proyektong pang-kontra baha sa Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News