CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Anim na drug suspect ang magkakahiwalay na naaresto sa anti-illegal drug operations ng Bulacan Police Provincial Office sa Bocaue, Plaridel, at Meycauayan City noong Sabado (July 18).
Sa mga inilatag na anti-illegal drug operations nakumpiska rin ang humigit-kumulang P218,960.00 halaga ng shabu,
Nakumpiska rin ang humigit-kumulang P218,960.00 halaga ng hinihinalang shabu, tatlong baril, at mga bala.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Gilbert C. Diaz, Chief of Police ng Bocaue Municipal Police Station, bandang 12:50 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Turo, Bocaue, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 drug suspect.
Nasamsam mula sa kanila ang 9 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P156,400.00, buy-bust money, isang cal. 9mm revolver na may 3 live ammunition, at isang motorsiklo.
Ayon naman sa ulat ni P/Lt. Col. Restituto E. Granil, hepe ng Plaridel Municipal Police Station, bandang alas-2:30 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Rueda, Plaridel, Bulacan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 drug suspect.
Nakumpiska mula sa kanila ang 5 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P31,960.00, buy-bust money, at 1 cal. .38 revolver na may limang live ammunition.
Samantala, batay sa ulat ng Meycauayan City Police Station, bandang alas- 4:08 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1 drug suspect at nakasamsam ng 2 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P30,600.00, buy-bust money, 1 improvised handgun (pen gun), at 1 piraso ng 9mm live ammunition.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Forensic Satellite Unit para sa drug test at laboratory examination. (UnliNews Online)

