CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang Municipal Level No. 1 Most Wanted Person ng Bayan ng Pandi matapos matunton at maaresto ng Tracker Team ng Pandi Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion, Pandi nu’ng Saturday (Sept. 5).
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Darwin O. Abainza, acting Chief of Police ng Pandi MPS, nagsagawa operasyon ang mga operatiba ng Pandi PNP na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 26-anyos na lalaki, na nakatala bilang Municipal Level N.o 1 Most Wanted Person.
Ayon kay Col. Abainza, isinilbi sa akusado ang Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) sa ilalim ng Criminal Case No 26-93272, na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 144, Antipolo City, noong Setyembre 4, 2026. Ang naturang warrant ay Not Bailable. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi MPS ang naarestong akusado.
Sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Jay B. Baybayan, acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na pinaigting ng Bulacan PNP ang pagtunton at pag-aresto sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest bilang bahagi ng walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad. (UnliNews Online)

