Monday, September 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMalolos CPS, rank 1 sa provincewide; No. 6 sa regionwide sa August...

Malolos CPS, rank 1 sa provincewide; No. 6 sa regionwide sa August 2026 UPER

LUNGSOD NG MALOLOS — Dahil sa dedikasyon sa serbisyo at patuloy na kahusayan, natamo ng Malolos City Police Station ang Rank No. 1 sa provincewide sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) as of August 2026 na my rating na 91.038% at nasa Rank No. 6 sa regionwide.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, disiplina, propesyonalismo, at dedikasyon ng mga kapulisan ng Malolos sa pagtupad ng kanilang tungkulin at pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa nasabing lungsod.

Sa unang buwan ng pamumuno ni P/Lt. Col. Jordan G. Santiago bilang acting Chief of Police ng Malolos City Police Station, agad na naipamalas ang kanyang epektibong pamumuno sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagpapatupad ng mga programa at operasyon kontra kriminalidad, pagpapalakas ng police visibility, pagpapalalim ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagpapaigting ng mga public safety initiatives.

Ang pagkamit ng 91.038% rating ay nagsisilbing patunay ng patuloy na pagsusumikap ng bawat isang miyembro ng Malolos PNP na maibigay ang mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo sa mamamayan.

Samantala, kinilala rin ng Malolos CPS ang mahalagang suporta ng butihing Mayor Atty. Christian D. Natividad, gayundin ng mga katuwang na ahensya, Barangay, Force Multipliers, BPATs at iba pang stakeholders na patuloy na nakikiisa sa mga programa ng kapulisan.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng isang tanggapan, kundi tagumpay ng buong komunidad ng Malolos na patuloy na nakikipagtulungan para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang lungsod.

“Malolos PNP, Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News