CAMP GEN. ALEJO SANTOS — Umabot sa 21 indibidwal ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa lalawigan noong Setyembre 10 at 11, 2026.
Batay sa ulat ng pulisya, nakumpiska sa mga operasyon ang 32 sachet ng hinihinalang shabu at anim na sachet ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang standard drug price na P183,556, bukod pa sa buy-bust money.
Batay sa report ni P/Lt. Col Eisbon L. Llamasares, COP ng Baliwag CPS, tatlong drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na droga Brgy. Tibag, City of Baliwag, Bulacan noong Setyembre 10, 2026 dakong 4:15 ng madaling araw. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 6 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P47,600.00 at buy-bust money.
Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng San Miguel, Sta. Maria, San Ildefonso, Balagtas, SJDM, Marilao, at Obando Police Station, 18 pa na indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 26 sachet ng hinihinalang shabu at 6 na sachet na marijuana at may tinatayang kabuuang halagang P135,956.00 at buy bust money.
Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Isinagawa ang mga operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga at sa mga indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta nito. (UnliNews Online)

