METRO MANILA — Nagkaisa kamakailan ang 703 volunteers mula sa isang pribadong kumpanya sa isinagawang coastal cleanup sa isang baybayin sa Metro Manila bilang bahagi ng paggunita sa International Coastal Cleanup.
Tinatayang 4.1 toneladang basura ang nakolekta ng mga kalahok sa isinagawang paglilinis, na naglalayong mabawasan ang basurang napupunta sa karagatan at makatulong sa pagpapanatili ng malinis na daluyan ng tubig.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at partner organizations bilang suporta sa kampanya para sa pangangalaga ng karagatan at iba pang yamang tubig.
Ayon sa mga organizer, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga pribadong sektor, pamahalaan at komunidad upang mapalakas ang kamalayan ng publiko at maprotektahan ang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. (UnliNews Online)

