CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) ang isang sangkot sa iligal na droga at iligal na pagmamay-ari ng baril sa isinagawang buy-bust operation noong Martes ng madaling araw (Agosto 11)sa Brgy. Maasim, San Ildefonso, Bulacan.
Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Gilmore A. Wasin, Chief of Police ng San Ildefonso MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Vino,” 47 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Basuit, San Ildefonso, Bulacan.
Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang poseur buyer kapalit ng ?500 marked money.
Sa operasyon ay nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang 4 na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 3.0 gramo at Standard Drug Price na P20,400.00, kabilang ang buy-bust item.
Nakumpiska rin ang isang Caliber .40 Para Ordinance pistol na may serial number SG1019, isang magazine para sa Caliber .40, limang live ammunition, at ang ginamit na buy-bust money. Isinagawa ang pagmamarka at inventory ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng suspek at mga kinakailangang witnesses alinsunod sa itinakdang proseso.
Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa San Ildefonso MPS para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang proseso ng imbestigasyon. Isasagawa rin ang pagsusuri sa mga nakumpiskang ebidensya at inihahanda ang kaukulang pagsasampa ng kaso laban sa suspek dahil sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (UnliNews Online)

