Saturday, September 19, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBocaue booth, kampeon sa ‘Singkaban ng Bayan 2026’

Bocaue booth, kampeon sa ‘Singkaban ng Bayan 2026’

LUNGSOD NG MALOLOS — Itinanghal na kampeon ang Bocaue sa “Singkaban ng Bayan 2026” Bulacan Tourism and Travel Fair matapos mangibabaw ang makulay nitong booth nito na hango sa tanyag na Pagoda Festival.

Ginawa ang tourism fair mula Setyembre 8 hanggang 15 sa Capitol Mini Forest, kung saan itinampok ng mga bayan at lungsod sa Bulacan ang kanilang mga natatanging kultura, tradisyon, produkto at pasyalan.

Nakuha ng Bocaue booth ang atensyon ng mga hurado dahil sa malikhaing konsepto at makulay na presentasyon na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng bayan.

Bahagi ang aktibidad ng Singkaban Festival 2026, na naglalayong itaguyod ang turismo, kultura at lokal na produkto ng Bulacan.

Inorganisa ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ipinagdiwang sa aktibidad ang mayamang kultura, natatanging lasa, at lokal na likha ng Bulakenyo.

Nakamit ng Bocaue ng P80,000 para sa kanilang obra, habang ang Marilao naman ay nakuha ang ikalawang pwesto at nag-uwi ng P60,000, at ang Hagonoy sa ikatlong pwesto na may premyong P40,000.

Sa paglalarawan sa kanilang booth, ibinahagi ni Bocaue Tourism Officer Mark Lorenzo ang kwento sa likod ng kanilang nagwaging obra.

“Kung makikita ninyo sa mga decoration, indigenous at recycled materials ang ginamit namin, dahil ang mga kawayan na ‘yan ay galing mismo sa Pagoda Festival float at nagpapakita din kung saan nagmula ang Bocaue, saan kami ngayon at saan kami papunta sa hinaharap,” ani Lorenzo.

Bukod dito, binigyan din ng pagkilala bilang mga runner-up ang mga bayan ng Guiguinto, Bustos, at Plaridel, na bawat isa ay nag-uwi ng P20,000 sa awarding ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium noong Setyembre 14.

Higit pa sa magandang visual display, nagtampok din ang fair ng mga lokal na pagkain at produktong gawang-kamay mula sa mga magsasaka at negosyanteng Bulakenyo, na nagbigay ng mas malalim na karanasan sa pagtuklas ng lokal na kasaysayan at tradisyon, pati na rin ng mas malapit na ugnayan sa pagkakakilanlan at turismo ng Bulacan.

Sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng tourism and travel fair, naituon ang Singkaban Festival 2026 sa mayamang pamana, mga natatanging destinasyon, tradisyon, at mga taong patuloy na nagbibigay-buhay sa kultura at turismo ng Bulacan, kasama ang mga lokal na negosyong bahagi ng pag-unlad ng lalawigan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News