Wednesday, September 18, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsBerdeng Iguana nasagip sa Bustos

Berdeng Iguana nasagip sa Bustos

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang bihirang uri ng berdeng iguana ang natagpuan at nakuha sa Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) Bustos Checkpoint kamakailan.

Ayon kay Atty. Juvic Degala, hepe ng BENRO, ang berdeng iguana ay humigit-kumulang nasa 45 na pulgada ang haba mula sa nguso hanggang sa buntot at may mga pambihirang katangian kumpara sa iba pang uri ng iguana.

Dagdag naman ni Division Chief ng BENRO na si Beam Joseph Arada, ang nahuling berdeng iguana ay hindi bahagi ng local biodiversity.

“Sa tingin ko ay hindi part ng local biodiversity ‘yung nahuling iguana, kakaiba kasi ‘yung itsura niya, hindi common. Sa palagay ko ay alaga ito na nakatakas,” he said.

Nai-turn over na ang pambihirang berdeng iguana sa City Environment and Natural Resources Office sa Guiguinto, Bulacan. (Unlinews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments