Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizHerlene Budol, ipinasilip ang kanyang ‘grand budol walk’

Herlene Budol, ipinasilip ang kanyang ‘grand budol walk’

BINIGYAN ng bagong bihis ni “Magandang Dilag” lead star Herlene Budol ang kanyang pasarelang “squammy walk” na tinawag niya ngayong “grand budol walk.”

Kinumpirma ni Herlene Budol na tuloy na tuloy na ang kanyang pagsabak sa Miss Grand Philippines 2023 nang makausap siya ng press sa media conference ng bagong series niya sa GMA na Magandang Dilag. Ito ay matapos makapasok siya sa screening ng nasabing beauty pageant.

Ngayong Martes, June 20, ipakikilala na ang mga opisyal na kalahok sa Miss Grand Philippines 2023 sa isang sashing ceremony and press presentation na gaganapin sa Ballroom B, Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City.

Bago pa man ang event, ipinasilip ni Herlene ang kanyang pasarela na gagamitin sa kompetisyon na tinawag niyang “grand budol walk.”

Sa videong ipinost niya sa Instagram noong June 18, litaw na litaw ang kanyang balingkinitang katawan sa sexy black dress niya kung saan kapansin-pansin ang kanyang balakang at long legs, habang ginagawang catwalk ang isang parking lot.

“From Squammy walk to Grand Budol walk ?? #teaserfortransformation,” sulat niya sa caption.

Source: GMA Entertainment

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments