Saturday, October 12, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionPaano masosolusyunan ang basura sa buong Bulacan?

Paano masosolusyunan ang basura sa buong Bulacan?

KAMAKAILAN ay nagpunta sa bansang Japan si Gobernor Daniel R. Fernando kasama ang ilang alkalde na kung saan ang pangunahing layunin ay kung paano ang ginagawa ng Osaka City sa kanilang Solid Waste Management.

Ayon kay Mayor Christian Natividad ng Lungsod ng Malolos na naging maganda ang naging resulta ng pagpunta sa bansang Japan kung saan kung ito ay gagawin nang lahat ng bayan at lungsod sa ating probinsya ay mababawasan ng malaking gastusin ang lahat ng lokal na pamahalaan.

Hindi lang naman Lalawigan ng Bulacan at ating bansa ang may malaking suliranin sa basura kundi buong mundo. Kaya naman napapanahon lang ang ginawang Lakbay Aral ng mga opisyal ng lalawigan para matutunan ang teknolohiyang ginagawa ng Osaka City sa kanilang basura.

Dahil kung ito ay papahintulutan ng Department of Environment ang Natural Resources o DENR, ang pamamaraan na ginagawa ng Osaka City ay kayang-kaya naman gawin ng bawat bayan at lungsod sa buong lalawigan.

Ang daan-daang milyong pondo sa basura na inilalaan ng bawa’t bayan at lungsod ay puedeng gamitin sa mahahalagang proyekto. Kaya naman inaasahan natin sa ilang kongresista sa ating lalawigan na maisulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang teknolohiya na ginagamit sa bansang Japan.

Napakahalaga na mabigyan pansin sa Senado at Kongreso ang usapin sa malaking problema ng basura na hindi lamang ang mga lokal na pamahalaan at lungsod ang siyang apektado lalo na ngayong nalalapit ang panahon ng tag-ulan.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na kaya lang bumabaha sa ibang lugar ay dahil sa basura na nakabara sa daluyang tubig. Hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga karatig lalawigan.

Panawagan natin sa DENR na sana ay pag-aralang mabuti kung paano mapapayagang gamitin ng ilang lokal na pamahalaang ang teknolohiyang ginagawa ng Osaka City na sa pamamagitan ng makinarya ay sinusunog ang basura. (UnliNews Online)

Louie C. Angeles
Louie C. Angeleshttp://unlinews.org
LUISITO “Louie” C. Angeles is a news reporter for DWIZ 882 AM and also an anchorman of Serbisyo, Trabaho sa Radyo @ 09.3 FM Radyo Bandera Central Luzon. Louie is also a columnist reporter for REKTA Balita and The Central Chronicle and a former radio reporter for DWIZ, DZRB, and DZRV Radio Veritas. Born and raised in Bocaue, Bulacan, Louie is currently the national president of the PAPER.Ph -- Prime Alliance of Publishers, Editors and Reporters Inc.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments