Wednesday, September 18, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsLevel Up Bayanihan sa Barangay Atlag, isinagawa

Level Up Bayanihan sa Barangay Atlag, isinagawa

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bitbit ang mga serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng mga Malolenyo, pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista ang Level Up Bayanihan sa Barangay Atlag noong Miyerkules (June 28) kung saan ay personal na inihatid sa tahanan ng mga kababayang bedridden at senior citizens ang iba’t-ibang uri ng tulong at paglilingkod.

Ayon kay Mayor Natividad, layunin ng nasabing programa ang pagbabalik serbisyo niya para sa mga mamamayan ng lungsod. Nais niya na balikan, isa-isahin at personal na lapitan ang mga indibidwal na higit na nangangailangan ng tulong at mag-abot ng serbisyong maaaring matanggap mula sa pamahalaang lungsod ng Malolos.

“Hindi maaaring ikulong sa apat na sulok ng City Hall ang serbisyo at pagbibigay ng malasakit sa mga Malolenyo,’’ dagdag ng alkalde.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang: Free Legal Consultation, Barangay Justice System Educational Discussion, Project BUHAY (Vegetable Seed Distribution), Libreng Anti-rabies at Konsultasyon para sa mga hayop, Promotion of Responsible Pet Ownership Pamphlets/Brochures), Free Consultancy Services, Distribution of Dewormer and Vitamins on Livestock (Goat, Cattle and Carabao), Listo Malolenyo and Disaster Preparedness Orientation, Medical Consultation, Nutrition Education (Pinggang Pinoy and 10 Kumainments) at Distribution of Leaflets on Dengue Awareness.

Hindi rin maaaring mawala ang Dental Consultation, Tooth Extraction, Free Haircut, Basic Chair Massage with Reflexology, Project “Tuli”, Kaalaman Sa Kabuhayan (Meat Processing-Siomaj Making), Hanapbuhay para sa kinabukasan (Job Referral, Information Dissemination para sa bakanteng trabaho, TUPAD, SPES, GIP) at Responsible Parenthood Seminar

Nakiisa sa Level Up Bayanihan sa Barangay sina Konsehal Troi Aldaba III, City Administrator Joel S. Eugenio, Chief of Staff Ferdie Durapa, mga Pinuno ng iba’t-ibang tanggapan at dibisyon ng Lungsod ng Malolos, kawani ng Barangay Atlag at iba pang mga volunteers.

Kaalinsabay ng programa ang pagtatalaga ng bagong barangay hall ng Atlag. (UnliNews Online)

Source: Malolos CIO

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments