Sunday, November 3, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraSa pag-unlad ng bayan kapalit ay kalusugan ng mamamayan

Sa pag-unlad ng bayan kapalit ay kalusugan ng mamamayan

ITO ang dapat pansinin ng Pamahalaan Lungsod ng Calaca sa diumano’y reklamo ng mga residente na nakatira sa baybay dagat laban sa mga plantang nakatayo sa kanilang barangay.

Marami akong nakausap na residenteng nakatira sa baybaying dagat ay bigla umanong nangangamoy mabaho kaya hindi sila makatulog. Minsan naman ay maingay kaya naaawa sila lalo na sa mga bata na pati pagkain ay naaapektuhan. Minsan naman nakikita nila ang tubig ng dagat di umano may halong langis.

Nagsulputan sa Lungsod ng Calaca ang mga planta at pabrika, kaya marahil umunlad at naging siyudad). Aba, mukhang napabayaan na ang problema ng mga taga-baybaying dagat na dumaranas ng matinding ingay at nakasusulasok na amoy na naggagaling sa naturang mga planta. DENR-CENRO Calaca bigyan ninyo naman po ng pansin ito at alamin kung may katotohanan. Paki-imbestigahan naman!!!

Balik pansin tayo sa naging topic natin ng nakaraang issue tungkol SA NANGANGAMOY NA ANG PULITIKA SA BATANGAS nakatanggap ako ng mga tawag sa aking messenger na nakabasa ng ating article nung nakaraangissue at MARAMI AGAD ANG SUMAWSAW…ayon sa isang tawag siya ay taga San Jose, Batangas at leader daw siya ni Mayor Valentino Patron at nagpaplano diumano si Mayor Patron na lumabang gobernador. Base pa rin sa tinanggap nating tawag ay lalaban din diumano ang dating San Jose Councilor Walter Ozayta….eh paaano ito dahil si Calaca City Mayor Nas Ona ay lumaki at nagkaisip din sa San Jose, Batangas.

Santisima, KARAMBOLA na ito ng mga taga-San Jose, hehehe. Ang problema kung hindi diumano tatakbo ang magbabalik na LAWIN na si dating Gobernador Vilma Santos. Nakuh…lahat pala takot kay Ate Vi. Hahahah.

Kung nagsulputan ang mga planta sa Calaca ganun din ang STL bookies na nagsulputan na parang mga kabute. Paano kaya masusugpo ito kung diumano ay may iniilagan ang mga otoridad sa paglaban sa mag nasabing bookies.

In fairness naman kay P/Lt. Col. Eduardo D. Balita, ang hepe ng kapulisan sa Calaca, nababalitaan naman ang paglaban niya sa illegal gambling. Mabuhay ka Sir. Sana madale mo din ang mga protektor ng nasabing mga iligal na sugal at ’yung mga gumagamit ng impluwensiya.

May balita na nakalap ang ALA BIRA na halal pa ng bayan diumano ang protektor nitong mga iligal na pasugalan. TOTOO KAYA ITO? Tignan nga!!! Hehehe. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments