Thursday, December 5, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsRelasyong pulisya at komunidad, paigtingin

Relasyong pulisya at komunidad, paigtingin

PAGPAPALAKAS at walang humpay na programang may kinalaman sa pagpapataas ng imahe ng ating mga Alagad ng Batas, ito ang kinakailangan gawin at maisakatuparan.

Ang imahe ng pulisya ay mapapabuti sa pamamagitan ng pagkilos sa sistematiko at matuwid na patakaran ng gobyerno tungo sa pulisya, pangasiwaan ng pulisya, relasyon sa publiko, sa MEDIA, at pananaliksik na nauugnay sa relasyon ng pulisya at komunidad.

Tulad ng napanood natin sa Social Media, ang programang may titulong Sumbong N’yo, Aksyon Agad, na ang pang-angkora ay kinabibilangan ng mga Alagad ng Batas at dating MEDIA practitioner na ngayon ay nasa Gobyerno nanunungkulan, ay isang magandang hakbang na kailangan ibunsod o palakasin.

Pagpapalaganap ng ganitong mga pamamaraan upang maipadama sa sambayanan na ang ating mga Alagad ng Batas ay hindi nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin at kung may tiwali man at madami pa ring matitino na handang maglingkod ng tapat, para sa bayan.

Bagamat ang ilan ay nasasangkot at nagkakandaduling sa kislap ng salapi mula sa bawal na gamot, iyan ay iilan lamang,

Tsk! Tsk! Tsk! Ilan sa nakakausap nating taumbayan ay napapaismid kapag nababanggit ang pulisya natin. Lalo na noong panahong nasangkot ang ilang pulis sa bawal na droga, na ginisa ng mga tanong sa Mataas at Mababang Kapulungan, kamakailan.

Kaya ang imahe ng pulisya ay makawirang palakasing itaas. Ang Social Media (SocMed,) ay libreng lugar kung saan maaaring paramihin ang mga ‘account’ na may programa hinggil sa mga aktibidades ng ating mga kawal pang-kumonidad.

Kailangang palaganapin, ikalat ang katapatan sa tungkulin at magandang nagagawa ng ating mga Awtoridad.

Napakahalaga ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa publiko, at ito ay nararapat lamang na pagibayuhin. Kaya nga ang Gobyerno, noong panahon ni Pangulong Duterte ay itinaas ang suweldo ng mga pulis, binigyan ng magandang kondisyon sa pagtatrabaho, at tamang kagamitan at uniporme.

At batay sa ating nakalap na impormasyon, ang mabisang pakikipagtulungan sa pagitan ng tagapagpatupad ng batas at mga stakeholder ng komunidad ay mahalaga sa kaligtasan ng publiko, at mahalagang tanggapin ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno, grupo ng komunidad, nonprofit, negosyo, at pribadong mamamayan ang kaligtasan ng publiko bilang isang magkakasamang responsibilidad.

Ang tagapagpatupad ng batas at mga miyembro ng komunidad ay dapat bumuo ng mga positibong relasyon sa pagtatrabaho upang makabuo ng pangmatagalang solusyon at mapataas ang tiwala sa pagitan ng pulisya at publiko.

Samakatuwid, ang pagpapataas ng imahe ng pulisya, kung saan matutukoy ang mga makabuluhang programa nito ay ang pagbubunsod sa SocMed, Broadcast at Print Media, higit ang maigting na relasyon sa komunidad. At dapat palakasin ng pulisya ang kanilang Municipal o Provincial Advisory Group. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments