Monday, May 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBatang si Sofie, natagpuang patay sa ilog

Batang si Sofie, natagpuang patay sa ilog

LUNGSOD NG MALOLOS — Natagpuan na ang batang si Sofie na naiulat na nawawala makaraang makitang wala ng buhay na lumulutang sa ilog nitong Sabado sa bahagi ng Legacy Memorial Park sa Sitio San Roque, Brgy. Sto. Rosario sa naturang lungsod

Base sa naging ulat, huling nakita sa closed-circuit television o CCTV si Sofie Lecira noong Friday (July 7) bandang 4:30 p.m. na naghanap umano ng makakalaro.

Ayon sa ama ng biktima na si Marwin Lecira, “hirap na hirap na kami sa buhay, nawalan pa kami ng anak”.

Dagdag pa nito na dinala nila ang anak sa sa punerarya ngunit hindi pa nailalabas sapagkat wala silang pera na pampalibing.

Agad humingi ng tulong ang ama ni Sofie kay Mayor Atty. Christian D. Natividad sa pamamagitan ng Facebook Live na agaran namang tinugunan ng alkalde upang agad na maasikaso ang mga papeles at ang burol.

Isinailalim din umano ang biktima sa autopsy at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Malolos police hinggil sa pangyayari.

Ayon pa sa ama ng biktima, ilalagak ang labi ni Sofie sa bisita ng Brgy. San Agustin, sa Lungsod ng Malolos.

Sa mga nagnanais pong tumulong, heto po ang gcash number ni G. Licera, 09816732846. Wala pong ibang GCash account na gamit sila. Mag iingat po sa mga scammers.

Source: #BatangMalolos

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments