LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng SJDM police sa isang guro na natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa inuupahang bahay sa Barangay San Pedro.
Kinilala ang biktima na si Milfredo Dayrit 46-anyos, isang guro sa Sapang Palay National High School at residente sa nabanggit na barangay.
Batay sa ulat ng pulisya, ilang residente na kapit bahay ng biktima ang nakalanghap ng masangsang na amoy na nanggagaling sa bahay ng guro.
Nang silipin ang bahay ay bumungad na ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
Dito na sila nagsumbong sa otoridad at nagpatawag ng Bulacan Scene of the Crime Operatives ang pulisya upang makakalap ng mga ebidensya upang maresolba ang kaso.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung sino ang may gawa ng karumaldumal na krimen. (Unlinews Online)