LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Mahigit 600 na mga trabaho mula sa 13 mga employers ang binuksan para sa mga kababaihan sa idinaos na Jobs Fair ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Kabilang sa mga binuksang trabaho na isinagawa sa Bulacan Gymnasium ngayong Lunes (March 13) ay mula sa sektor ng retail, manufacturing, beauty and wellness, information technology at sa food.
Bukod sa naturang job fair, may mga libreng serbisyo rin na ibinibigay gaya ng masahe, paglilinis ng mga kuko at hair styling.
Mananatiling bukas ang nasabing mga trabaho kung hindi pa ito nakukuha ng mga tinaguriang Hired On The Spots o HOTS. (Unlinews Online)
Source: Shane F. Velasco, PIA Bulacan