Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizKristel Fulgar, hindi binigyan ng ‘2nd chance’

Kristel Fulgar, hindi binigyan ng ‘2nd chance’

Pinalitan sa hosting job sa ‘fan meet’ ng Korean actor na si Seo In-guk

NAGPALIWANAG na si Kristel Fulgar sa kanyang YouTube Channel kung bakit hindi natuloy ang paghu-host niya sa “fan meet” ng Korean actor na si Seo In-guk dito sa Manila.

Panimula niya, “Hindi ako binigyan ng 2nd chance.”

Ang pumalit sa kanya ay si Karen Bordador.

Ayon kay Kristel, ang Korean technical director ng In-guk’s fan meet ang nagpapalit sa kanya dahil wala raw siyang energy nu ng nagre-rehearsal sila.

Nagulat na lang daw siya ng hindi siya ang tinawag sa stage kundi si Karen
para mag-host.

“Hindi ako binigyan ng 2nd chance.”

“Nag-eexpect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100 percent [energy] na sinasabi ko pero hindi raw. Hindi man lang ako binigyan ng second chance.”

Nalungkot daw talaga siya at disappointed sa nangyari.

Nag-apologize siya sa kanyang fans at supporters na excited siyang mapanood that time.

“Nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako ‘yung haharap sa kanila. I’m so sorry, guys,” maluha-luhang sabi ng aktres.

She offered a glimpse of her one-on-one interaction with the “Cafe Minamdang” star, revealing that Seo In-guk himself felt sorry about the incident.

Source: Beth Gelena

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments