NORZAGARAY — Natagpuang patay sa loob ng kahon sa bayan ng Norzagaray sa Bulacan ang isang 67-anyos na babae na naiulat na nawawala sa Pasig.
Ayon sa ulat, anim na araw nang nawawala si Maria Estrella-Villaestique bago matagpuan ang bangkay sa isang madamong lugar sa Baragay Matictic. Norzagaray.
Ang kanyang anak na si Raymund, 28, ang siyang may gawa ng krimen, sinabing paulit-ulit niyang hinampas ng kahoy ang sariling ina.
Inaresto na ng National Bureau of Investigation ang suspek. Siya ay nahaharap sa reklamo para sa parricide.
Ang katawan ni Villaestique ay nakatakip sa isang plastic bag, isang balot ng regalo, at dalawang kumot.
Ang kanyang labi ay positibong kinilala noong Linggo ng gabi (March 12). Ipinakita sa autopsy na siya ay namatay sa blunt traumatic injury sa kanyang ulo.
Nakasaad sa mga account ng mga saksi at CCTV footage na nakitang kinaladkad ni Raymund ang isang malaking kahon bago iniulat na nagtago ng isang linggo.
Inamin niya ang pananakit sa kanyang ina sa gitna ng pagtatalo noong Marso 5, 2023 at tinukoy ang lokasyon kung saan niya itinapon ang labi ng biktima.
Sinabi ng suspek na lumala ang relasyon nila ng kanyang ina matapos niyang matalo sa isang scam ang kanilang sasakyan, na ginamit para sa isang transport network vehicle service. (UnliNews Online)