Monday, July 15, 2024
Amana Water Park
HomeShowbizTeen actor ng GMA, 2 iba pa ‘nasawi’ sa car accident

Teen actor ng GMA, 2 iba pa ‘nasawi’ sa car accident

QUEZON City — Patay ang isang batang aktor at dalawang iba pa habang ang isa naman ay nasa kritikal na kondisyon matapos tumagilid ang kanilang sasakyan sa isa pang sasakyan, na nawalan ng kontrol at sumalpok sa gate ng subdivision sa Quezon City noong Biyernes ng umaga (March 24).

Sa ulta ng pulisya, kinilala ni Cpl. Jen Mark Benito ng District Traffic Enforcement Unit at case officer ang mga nasawi na sina Paulo Bueza; Arman Velasco; at Andrei Sison, 17; contract star ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network, at magsisimula pa lamang sana ang pag-usbong ng kanyang acting career, at apo ng seasoned balladeer na si Marco Sison.

Nasa kritikal na kondisyon sa East Avenue Medical Center ang ikaapat na pasahero, na kinilalang si Josh Ford.

Nagluluksa ang aktres na TV host na si Karla Estrada sa pagkawala ng kanyang pamangkin na si Sison. Pamangkin din si Ford ayon sa entertainment reports.

Sakay sila ng BMW sedan, na minamaneho ni Bueza o Velasco, ayon sa pulisya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-2:30 ng madaling araw, binabaybay ng mga biktima ang Commonwealth Avenue mula Fairview at patungo sila sa Philcoa nang mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Benito na ang BMW sedan ay tumagilid sa kanang likurang bahagi ng Ford Ecosport na minamaneho ni Jeremiah Lopez, isang accountant at residente ng lungsod.

Nagdulot ito ng pagkawala ng kontrol ng BMW, na tumama sa gate ng kalapit na subdivision ng Intramuros.

“Dahil sa epekto ng insidente, ang driver at mga pasahero ay nagtamo ng maraming pinsala,” sabi ni Benito.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, serious physical injury, at damage to property ang isasampa laban kay Lopez. (Manny D. Balbin) 

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments