Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsRehab ng mga kalsada sa bayan ng Bulakan, matatapos na -- DE...

Rehab ng mga kalsada sa bayan ng Bulakan, matatapos na — DE Alcantara

LUNGSOD NG MALOLOS — TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan First District Engineering Office na matatapos ang isinasagawang road rehabilitation ng provincial road sa Barangay Perez at Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan bago matapos ang Hunyo.

Ayon kay District Engineer Henry Alcantara na inaasahang matatapos ang dalawang road construction sa Hunyo 25 batay sa deadline ng kontrata ng konstruksyon.

Sinabi ni Alcantara na ang Barangay Perez road rehabilitation na may drainage ay nakatakdang tapusin anumang oras ngayong buwan, at magbubukas sa mga motorista pagkatapos ng pitong araw na proseso ng curing. Ang rehabilitasyon ng kalsada sa Barangay Taliptip ay dapat matapos sa Hunyo 25.

Ang dalawang proyekto ay may badyet na tig-P6.9 milyon mula sa Department of Budget and Management sa ilalim ng General Appropriation Act na inilaan ni Bulacan 1st District Rep. Danny Domingo.

Pinabulaanan din ng DPWH ang pahayag ni Emmie Fernando, municipal engineer ng lokal na pamahalaan ng Bulakan, na wala silang abiso sa munisipyo hinggil sa dalawang proyekto kung saan kinumpirma nilang mayroon silang dokumento ng natanggap na kopya ng opisina ng alkalde na may petsang Disyembre 14, 2023 kaugnay sa proseso ng pag-bid ng mga proyekto.

“We did proper coordination with the municipality and to the barangay about these projects, that’s the protocol,” ani Alcantara.

Idinagdag niya na “bago pa man ang notice to proceed na may petsang Marso 1, 2024, nagsagawa na ang contractor ng mga pre-construction activities kasama na ang paghahanda ng retaining wall para samantalahin ang magandang kondisyon ng panahon.”

Nagkaroon ng pagkaantala ng proyekto dahil sa ulan at high tide na naging sanhi ng maputik na kalsada.

Ayon sa DPWH, full blast na ang construction activities nito at tiniyak na matatapos ang trabaho sa petsang nakasaad sa kontrata. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments