Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & Community‘1D Lakas ng Kabataan Basketball League,’ sinimulan na!

‘1D Lakas ng Kabataan Basketball League,’ sinimulan na!

Nina Verna Santos at Allan Casipit

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal ng sinimulan ang “1D Lakas ng Kabataan Basketball League” noong Agosto 11, 2024 sa Malolos Sports and Convention Center sa Barangay Bulihan, Lungsod ng Malolos.

Ang naturang paliga sa larangan ng basketball ay pinangunahan ni Congressman Atty. Danilo A. Domingo, Kinatawan mula sa Unang Distrito ng Bulacan.

Kasunod din binuksan ang nasabing palaro sa bayan ng Calumpit, Paombong at nakatakda na rin sa bayan ng Bulakan, Bulacan, Hagonoy at Pulilan.

Lalahukan ng mga kabataang magiging pambato ng mga barangay na sakop ng Unang Distrito ng Bulacan sa larong basketball sa Junior at Senior Division na magpapakita ng kanilang lakas, husay at galing sa larangan ng basketball.

Ayon kay Cong. DAD, layunin nito na “mailayo sa masamang bisyo ang mga kabataan, mapalawaka ang kanilang pakikipag-kaibigan maging ehemplo ng magandang pakikisalamuha sa bawat isang kabataan tungo sa pag-abot ng kanilang pangarap na maging isang mahusay na manlalaro at magsilbing daan sa mga susunod na panahon.”

Masayang ibinalita ng Kinatawan sa mga kabataang manlalaro na sa susunod na taon ay magpapatayo ng palaruan sa Malolos at ilulunsad naman ni Konsehal Didis Domingo ang kanyang programang “Brass Band” sa mga barangay upang ‘di lamang sa mga palakasan kundi maging sa musika ay matutong tumugtog ang mga kabtaan.

“Bibigyan ng mga musical instrument ang mga eskwelahan para magsilbing daan na sila ay makatapos ng pag aaral. Tayo ay nakatutok sa mabuting kinabukasan ng mga kabataan, dahil sa ang kabataan ang pag asa ng ating bayan,” dagdga pa ni Cong. Domingo.

Dumalo at sumuporta sa paliga ng basketball sina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis Castro, mga bokal ng Unang Distrito ng Bulacan, mga kapitan ng barangay at mga pinuno ng Sangguniang Kabataan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments