NAGBIGAY ang Aboitiz Renewables, Inc., ang renewable energy arm ng Aboitiz Power Corporation (AboitizPower), sa pakikipagtulungan sa Office of the Congressman, ng 10 computer sets sa Kolehiyo ng Subic upang mapalakas ang digital access ng mga estudyante mula sa Olongapo at mga karatig-bayan.
Tinatayang nasa 7,896 na mga estudyante ang makikinabang sa kabuuan ng mga existing at bagong kompyuter sets.
Para kay College President Dr. Rosely H. Agustin, “Ang access sa technology ay hindi na lamang luho kung hindi pangangailangan. Ito ay nagsisilbing makapangyarihang kagamitan para sa research, paglinang ng kasanayan, kolaborasyon, at pagiging malikhain ng maraming estudyante, ngayon at sa hinaharap.”
Ayon kay Sharron Manzano, Stakeholder Relations Manager ng Aboitiz Renewables, “Layunin naming mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante mula sa Olongapo at karatig-bayan, at matulungan ang mga guro sa kanilang pagtuturo. Sa ganitong paraan, naihahanda natin sila para mas maging competitive at future-ready para sa anumang larangan ang kanilang papasukin sa hinaharap.”
Sa pamamagitan ng computer sets, mas pinapalakas ng Aboitiz Renewables ang kalidad ng edukasyon sa Kolehiyo ng Subic. Bahagi ito ng kanilang pakikibahagi sa community development ng Subic at Olongapo City.

