MAY senior citizen na nagtanong sa akin at kanyang sinabi na nalaman daw niya na mayroon daw pala pondo ang barangay para sa kanilang mga senior pero bakit daw hindi siya nabibigyan kung talagang mayroong taunang badyet para sa kanila na nakatatanda. In short, hindi umano siya nababahaginan kaya pinaliwagan ko naman siya bilang ako ay dating kalihim sa aming barangay.
Sabi ko sa kanya, ang lahat ng senior citizen sa bansa ay mayroong mandato na bahaginan ng isang porsiyento (1%) sa taunang National Tax Allotment (NTA) ang barangay at ito ay naaayon sa batas kaya ang mga samahan ng nakatatanda sa bawat barangay ay kabahagi ng Sanggunian Barangay sa kanilang mga programa.
Noong ako ay kalihim pa sa aming barangay sa tuwinang isinasagawa ang taunang badyet sa aming barangay ay palaging kasama sa budgeting ang senior citizen gayundin naman ang Persons with Disabilities (PWDs). Kung ang barangay ay tumatanggap ng annual NTA na sampung milyong piso o higit pa rito, ang senior citizen ay babahaginan ng isang porsiyento ng sampung milyon na nagkakahalaga ng sandaan libong piso.
Ibibigay ba sa seniors ng buo ang P100,000.00 ? Hindi. Ang halagang ito ay ilalaan sa programa, proyekto at mga aktibidad ng mga nakatatanda bilang suporta sa kanila. Pakakantadaan na may proseso sa paggamit ng pondo para sa seniors. Tulad ng gift giving sa panahon ng Kapaskuhan, kinakailangan na may liquidation report ang seniors dahil naaayon ito sa batas alinsunod sa transparency
Kailangant mayroong official receipts/invoices ng mga napamiling mga bagay tulad ng groceries at iba pa. Kailangang din magsumite ng attendance sheets na pirmado ng participants at mga litrato bilang patunay na may naisagawang programa ang seniors. Ang barangay treasurer naman ang siyang incharge sa liquidation reports .
Ang prosesong ito ay siya ring proseso sa pondo ng barangay kung paano ginamit ang pondo kaya napakahalaga ng liquidation report dahil dito masasalamin kung saan napunta at papaano ginamit ang pondo ng barangay. Ang tesorero din ng barangay ang magsusumite ng ulat sa Commission on Audit (COA) dahil ang barangay treasurer ang responsable sa paghawak, pagtatala, at pag-liquidate ng nagamit na pondo ng barangay. (UnliNews Online)

