Wednesday, March 25, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 ’dakip sa pagpatay sa isang 18-anyos na estudyante

3 ’dakip sa pagpatay sa isang 18-anyos na estudyante

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nadakip ng mga operatiba ng Malolos PNP katuwang ang SWAT team mula sa Bulacan Provincial Police Office noong Linggo (March 23) ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang estudyante na may edad 18-anyos sa Brgy. Caingin, Lungsod ng Malolos.

Base sa ulat, kinilala ang biktima na si alyas Carl, 18-anyos habang ang mga suspek umano ay sina Jose, 23 at dalawang menor-de edad na itinago sa pangalang Juan, 16 at Toto, 17.

Sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-10 ng gabi noong Linggo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa gulo ang biktima at ang 3 suspek malapit sa Barangay Caingin Elem. School.

Si alyas John ay umano’y ang siyang sumaksak sa biktima sa kaliwang bahagi ng tiyan nito na nagdulot ng pagkamatay nang itinakbo sa Bulacan Medical Center.

Mabilis namang nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga operatiba ng pulisya ng Malolos kasama ang SWAT team mula sa Bulacan Provincial Police Office matapos mai-report sa kanila ang pangyayari na nagresulta sa pagkakadakip sa 3 suspek at pagkakarekober sa armas na ginamit sa pagpatay sa biktima dalawang oras matapos ang insidente ng pananaksak.

Ang dalawang menor de edad ay dinala sa City Social Welfare and Development Office ng Malolos para sa wastong disposisyon habang si alyas Jose ay nasa kustodiya ng Malolos PNP. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News